Kabanata XXXVII

Ang Hiwagaan

Buod

Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpigil sa balita, ang mga pagbabangon at mga supot ng pulbura . Ito ang naging paksa ng usapan ng lahat - palihim nga lamang. Si Chikoy kasi, payat na platero. Ay nagdala ng hikaw para kay Paulita nang tinatanggal na ang mga palamuti at mga hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya mismo ang suput-supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, sa likod ng mga upuan.

Ayon daw kay G. Pasta ay iisa ang maaring gumawa ng gayon-isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito.

Naroon sa bahay ng mga platero si Isagani. Anang may-aring si Kapitan Loleng ay magtago si Isagani.

Ngumiti lamang si Isagani.

Nagpatuloy si Chikoy. Dumating daw ang mga sibil. Wala namang mapgbintangan. Si Don Timoteo lamang daw at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na iyon. Pinaalis daw ang lahat ng mga di kailangan sa imbestigasyon.

Naku, kung may isa man lang daw na nanigarilyo sa mga trabahador, sasabog ang buong daan ng Anlogue. Kung sumabog daw ang mga pulbura ang noong gabi.

Nangatakot ang mga babae. Naghulaan kung sino ang pinaghihinulaan. Mga prayle. Si Quiroga. Isang estudyante. Si Makaraig. At tumingin si Kapitan Toringgoy kay Isagani. Ani Chikoy: ayon sa ilang kawani, si Simoun. Nagtaka ang lahat.

Naalala ni Momoy, isang dumalo sa piging, ang pagalis ni Simoun sa bahay bago magsimula ang hapunan.

Si Simoun daw ay nawawala, patuloy ni Chikoy. Kasalukuyang ito’y pinaghahanap ng mga sibil. Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang pagiging demonyo ni Simoun na nagkakatawang-tao.

Naalala uli ni Momoy ang pagkakaagaw sa ilawan ni Simoun na nuo’y namamatayan ng ningas. Nagpayo’t dito sa silid ni Isagani.Nagpatuloy si Chikoy.Tinataya raw ng mga maykapangyarihan na ang ilawan ay siyang magpapasiklab sa pulbura.

Nahintakutang gayon na lamang si Momoy. Nguni’t nang makita ang kasintahang si Siensa na nakatingin sa kanya ay nagtapang-tapangang nagsabi: Masama ng ginawa ng magnanakaw. Mamatay sanang lahat! Nag-antanda sa takot ang lahat ng matanda at babae. Lumapit si Momoy kay Isagani.

Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya. Ani Isagani na mahiwang nakangiti. Kung nalaman lamang ng magnanakaw na iyon kung ano ang nilalayon .kung siya ana ay nakapag-isip-isip tiyak na di niya gagawin ang gayon. Pantayan man ng kahit ano . Hindi ako tatayo s kanyang kalagayan!

Saka nagpaalam si Isagani. Ngunit upang hindi na bumalik pa sa kanyang amain.